Nilinaw ng PhilHealth na may sapat silang pondo para mabayaran ang kanilang obligasyon sa lahat ng kasosyong ospital.
Ito’y matapos aminin ng PhilHealth na ang sanhi ng pagkaantala ng proseso ng claims ay dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Pagdepensa ni PhilHealth Spokesperson Shirley Domingo na naapektuhan din ng pandemya ang workforce ng ahensya.
Dahil dito, marami sa kanilang empleyado ang kailangan i-confine at isolate dahil sa pagkakaexpose sa COVID-19.
Kasabay nito, tiniyak ng PhilHealth na inaasikaso na nila ang lahat ng kailangan upang matupad ang pangakong pagbabayad sa lahat ng utang sa mga ospital.
Sa ngayon, nabanggit ng PhilHealth na nagbayad na ito ng P6-bilyon sa debit-credit payment method sa 182 na ospital.