Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga opisyal ng PhilHealth sa gitna ng kinahaharap na isyu ng korapsyon sa ahensiya.
Sa kanyang briefing sa presidential guest house sa Panacan, Davao City, sinabi ni Pangulong Duterte na hindi niya palalagpasin ang mga opisyal ng PhilHealth na mapatutunayang sangkot sa katiwalian.
Partikular aniya ang mga nakalusot sa kanilang mga ilegal na gawain noong mga nakaraang administrasyon.
Ayon kay Pangulong Duterte, tatlong ahensiya ang nagsasagawa ng imbestigasyon sa PhilHealth na kinabibilangan ng Department of Justice, Office of the Ombudsman at Commission on Audit.
Dagdag ng pangulo, tutulong din aniya sa imbestigasyon si Senador Christopher “Bong” Go na kanyang pinayuhan na huwag pagbigyan o palusutin ang mga sangkot sa korapsyon sa PhilHealth, maging ang kanilang mga kaibigan.