Hinikayat ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang mga PhilHealth officials na mag-leave of absence muna habang sinisiyasat ng mga mambabatas at mga anti-corruption bodies ang hinihinalang korapsiyon sa state insurance firm.
Ayon kay Drilon, mahalagang magkaroon ng “reorganization” sa ahensya dahil sa pagkakasangkot nito sa mga anomalya.
Para kay Drilon, hindi maaaring ang paulit-ulit na lamang na gagawin dito ay pagpapalit ng mga opisyal lalo pa’t tila nagiging sistematiko na umano ang katiwalian dito.
Giit ng senador, kung hindi magle-leave ang mga nasasangkot na opisyal, maaaring palitan o galawin nila ang mga dokumento habang binubusisi ang mga alegasyon laban sa kanila.