Sinibak na sa pwesto ni Pangulong Rodrigo Duterte si Philippine Health Insurance Corporation Officer-In-Charge Celestina Maria Dela Serna.
Ito ang ipinabatid ni Pangulong Duterte sa mga miyembro ng kanyang gabinete na kasama sa official visit sa Seoul, South Korea.
Kasalukuyang iniimbestigahan ang PHILHEALTH official dahil umano sa labis na pagbiyahe sa loob at labas ng bansa at sobrang allowances.
Samantala, tumanggi munang magbigay ng detalye si Dela Serna kaugnay sa kanyang dismissal.