Pinagpapaliwanag ni Senador Panfilo Lacson ang Philippine Health Insurance Corporations (PhilHealth) sa mga anito’y depektibong polisya na nagdudulot ng malaking pagkalugi sa ahensya.
Ito’y kasunod na rin ng samu’t saring kontrobersiya na kinasasangkutan ng ahensya kung saan, aabot sa bilyung-bilyong piso ang nawawala rito.
Ayon kay Lacson, dapat may managot sa pagkaluging ito ng ahensya lalo’t ito ang pangunahing nagbibigay serbisyo sa mga may sakit na Pilipino.
Giit pa ng senador, mayroon namang quasi-judicial powers ang PhilHealth na siyang may pananagutan na imbestigahan ang mga pasaway na care institutions at providers nito.