Planong itaas ng Philhealth o Philippine Health Insurance Corporation ang kontribusyon ng kanilang mga miyembro sa susunod na taon.
Ito’y upang matiyak ng Philheatlh ang mas matatag na national health insurance program para sa mga Pilipino.
Ayon kay Ruben John Basa, Executive Vice President; Chief Operating Officer at Officer – in – Charge ng Philhealth, nagsasagawa na sila ng konsultasyon para talakayin ang nasabing hakbang.
Paliwanag pa ni Basa, kanilang pinalawig ang ilang benefit packages sa mga miyembro ng Philhealth nang hindi nagtataas ng kontribusyon sa loob ng limang taon.
Bagama’t wala pang eksaktong petsa kung kailan ipatutupad ang contribution increase, ngunit sinabi ni basa na tinatayang nasa .25% ang itataas sa kontribusyon.