Nagpadala ng kopya ng kanyang medical certificate sa senate committee of the whole si PhilHealth President Ricardo Morales.
Ito ay upang ipagbigay alam sa mga miyembro ng Komite ang abiso ng kanyang doktor na pansamantala muna siyang lumiban sa trabaho o mag-leave of absence.
Sa kopya ng medical certificate ni Morales, nakasaad na sumasailalim ang PhilHealth official sa chemotherapy sa Cardinal Santos Medical Center matapos ma-diagnosed ng cancer sa lymphoma.
Dahil dito, kinakailangang sumailalim ni Morales sa anim na cycle ng gamutan na magreresulta naman sa pagiging immunocompromised at bantad nito sa mga impeksyon.
Nakatakda sanang humarap si Morales sa pagpapatuloy ng pagdinig ng Senado kaugnay ng katiwalian sa PhilHealth sa Martes, Agosto 11.
BASAHIN: Philhealth President Morales hindi makakadalo sa Senate hearing matapos nagsumite ng medical certificate sa Senate Committee of the whole na nakasaad na sasailalim si Morales sa treatment para sa kanyang lymphoma | via @blcb (Patrol 19) pic.twitter.com/oZSJvpXGVi
— DWIZ Newscenter (@dwiz882) August 8, 2020