Marami pa rin umanong ospital ang hindi pa rin nababayaran ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).
Ito ang inihayag ni Dr. Jaime Almora, presidente ng Philippine Hospital Association (PHA), kaugnay sa pagkakautang pa rin ng PhilHealth.
Ani Almora, ilan sa mga ospital na ito ay hindi pa nababayaran ng PhilHealth mula pa noong magsimula ang pandemya.
Giit ni Almora, masyado nang matagal ang isang taon para maantala ang pagbabayad ng PhilHealth sa mga ospital dahil umano sa sinasabing pagbubusisi sa mga claims.
Dahil din aniya sa matagal at malaki nang utang ng PhilHealth, nasasaalang-alang na rin ang operasyon ng mga ospital.
Ang nangyayari ngayon ‘yung lack of ability to expand the capacities. I-expand ang capability nila to accommodate pero kung wala silang magagamit na pera para magkaroon ng resources, fund, sinasabi nila puno na, wala na. ‘Yung sinasabing puno, ang ibig sabihin no’n, lack of capacity to expand,” ani Almora. —sa panayam ng IZ sa Alas Sais