Sasagutin ng Philippine Health Insurance (Philhealth) ang pag papagamot ng mga itinuturing na Person Under Investigation (PUI) dahil sa novel coronavirus.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, napagkasunduan ng Philhealth board na maglaan ng package para sa nCoV.
Sa ilalim ng coverage, 1,000 kada araw ang ilalaan ng Philhealth para sa mga ospital na may pasyente na mayroong nCoV o kahit under investigation pa lamang.
Kung mauuwi naman sa pneumonia ang sakit ay sasagutin ng Philhealth ang pagpapagamot mula 16,000 hanggang 32,000.