Nagbitiw na sa kanyang posisyon si PhilHealth Senior Vice President for Legal Sector Rodolfo Del Rosario Jr.
Isa si Del Rosario sa 13 opisyal ng PhilHealth na pinatawan ng anim na buwang preventive suspension ng Office of the Ombudsman.
Sa kanyang Facebook post, sinabi ni Del Rosario na hindi na kaya ng kanyang kalooban ang character assassination at trial by publicity na kanilang dinaranas.
Hindi rin anya nya kakayanin na walang trabaho at sweldo sa susunod na anim na buwan kaya’t kailangan na nyang maghanap ng panibagong kabuhayan.
Nagpasalamat si Del Rosario dahil nagkaroon sya ng pagkakataong pag-isipan ang kanyang priorities dahil sa pagsuspinde sa kanya.
Sa loob anya ng mahigit dalawang dekada ay nalayo sya sa kanyang pamilya na kung ilang linggo lamang nya napapasyalan sa loob ng isang taon.