Binigyan na lamang nang hanggang katapusan ng Nobyembre ng mga private hospital ang PhilHealth upang mabayaran nito ang utang na 20 billion peso COVID-19 reimbursement claims.
Ayon kay Dr. Jose Rene De Grano, pangulo ng Private Hospitals Association of the Philippines Incororated (PHAPI), dapat tumupad sa usapan ang PhilHealth na bayaran ang malaking bahagi ng balanse nito.
Ituturing anya nilang makabuluhan ang pagbibigay ng state health insurerng kahit 70% ng hospital claims at sakaling mabayaran ay muling magkakaroon ng dayalogo.
Nito lamang lunes ay nagpulong ang PhilHealth at PHAPI upang talakayin ang issue ng unsettled claims. —sa panulat ni Drew Nacino