Naungusan na ng PhilHealth ang mga ahensya ng pamahalaan na laging target ng mga imbestigasyon dahil sa katiwalian.
Ayon kay Greco Belgica ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC), nangunguna ngayon ang PhilHealth sa mga ahensya na kanilang iniimbestigahan.
Sinabi ni Belgica na sa loob ng mahabang panahon ay laging topnotcher ang Bureau of Customs, Bureau of Internal Revenue at Department of Public Works and Highways sa mga imbestigasyon ng katiwalian —nasantabi silang lahat ngayon ng PhilHealth.
Taon-taon naman anya ay iniimbestigahan ang PhilHealth, subalit ngayon lamang nangyari na may binuo pang task force ang Pangulong Rodrigo Duterte kung saan pinagsama-sama ang mga investigating bodies.