“Delicadeza” ang naging dahilan umano ni dating PhilHealth Vice President for Operations Augustus De Villa sa pagbibitiw nito sa pwesto.
Nanindigan din si De Villa na malinis ang kaniyang konsensya at wala siyang kinalaman sa mga alegasyong katiwalian sa PhilHealth.
Ako po ay isang taong marangal na may dignidad at integridad, malinis po ang aking konsensya at naniwala ako na hindi ako babagay na magsilbi pa sa isang ahensiya ng gobyerno na punong-puno ng alegasyon ng korupsiyon at katiwalaan,” ani De Villa
Ani De Villa kaniya lamang narinig ang mga alegasyong kurapsyon sa ahensya sa board meetings ng PhilHealth executive committee.
Ako po’y talagang nakikinig lang at naririnig ko ang isyung ‘yan. Ang pwede pong makasagot ay ‘yung naga-allege,” ani De Villa.
Kung may ebidensiya po, sinabi ko po sa statement ko kanina, ako ay may adbokasiya laban sa katiwalian,” dagdag pa ni De Villa.
Kasabay nito sinabi rin ni De Villa na malaking bahagi rin ng kaniyang desisyon sa pagbibitiw sa pwesto ay ang kaniyang kalusugan lalo na aniya siya ay isa nang senior citizen na mayroong high blood pressure.