Ipinagmalaki ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang authentication ng Philippine Identification (PhilID) ay isa sa mga safeguards na ipinatutupad sa ilalim ng Philippine Identification System (PhilSys) Act bilang proteksiyon laban sa mga scammers.
Batay sa Section 5 ng Republic Act 11055 o PhilSys Act at Section 12 ng Revised Implementing Rules and Regulations, maaaring i-validate ang identity o pagkakakilanlan ng isang PhilID holder kahit online o offline.
Ayon sa PSA, sa offline authentication ay maaaring ma-verify ang ID sa pamamagitan ng pag-inspeksiyon ng security features at pag-scan ng taglay nitong QR code.
Ang online PhilID QR Code Verification System ay iro-roll out pa lamang ngayong taon.