Nagpaalala ang Land Transportation Office (LTO) sa lahat ng tauhan nito na tanggapin ang Philippine Identification Card (PhilID) bilang valid proof of identification sa lahat ng transaksyon sa ahensya.
Ito ang pahayag ni Jay Art Tugade, Chief Assistant Secretary ng LTO kasunod ng reklamong kanilang natatanggap na hindi tumatanggap ng PhilID (ePhilID) ang LTO.
Ayon kay Tugade, malinaw na nakasaad sa LTO Memorandum Circular 2021-2272 na dapat tanggapin ang anumang PhilID Card at printed ePhilID na ipipresenta ng isang aplikante.
Para ito sa motor vehicle registration, driver’s conductor’s license at maging student permit application.
Sinumang hindi susunod sa kautusan ay pagmumultahin ng hanggang P500,000.