Naibaba na ng Philippine Air Force ang mga tulong na kinakailangan para sa mga apektado ng Bagyong Odette sa Cebu.
Ayon kay Air Force Spokesperson, Lt. Col. Maynard Mariano, dumating kahapon sa Cebu ang kanilang C-130 aircraft.
Laman nito ang samu’t saring relief goods kasama ang mga sako ng bigas, galon ng tubig at mga de lata gayundin ang mga non-food item tulad ng tent, toiletries, donasyong damit at maging generator set.
Ipamamahagi ng ang relief goods sa Visayas region at Northern Mindanao na matinding hinagupit ng bagyo.
Samantala, maliban sa relief operations, tiniyak ng Air Force na patuloy pa rin ang kanilang search and rescue operations.
Handa rin silang magsagawa ng airlift para lang makapaghatid ng tulong. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)