Magkakaroon na naman umano ng mass layoff sa hanay ng mga empleyado ng Philippine Airlines o PAL.
Ayon kay Alan Tanjusay ng Trade Union Congress of the Philippines o TUCP, ito ang pangunahing dahilan kaya inihihirit ng mahigit 40 labor groups sa publiko na iboykot ang PAL dahil sa serye ng mga pagsibak sa kanilang mga empleyado.
Sinabi pa ni Tanjusay na noong lamang nakaraang linggo ay inanunsiyo ang pagkakatanggal sa mahigit 100 PAL employees bukod pa sa mahigit 2,000 empleyado noong mga nakaraang taon.
By: Jelbert Perdez | Jill Resontoc (Patrol 7)