Hiniling ng Philippine Amalgamated Supermarkets Association o PASA sa gobyerno na mag-issue na ng malinaw na guidelines hinggil sa kampanya laban sa mga tobacco products na mayroong pekeng tax stamps.
Ayon kay Steven Cua, Pangulo ng PASA, nagiging biktima ang mga inosente nilang miyembro sa kampanya ng gobyerno laban sa mga tobacco manufacturer na hindi nagbabayad ng tamang buwis.
Kahapon, tatlong retailers sa Maynila ang nahulihan ng mga sigarilyong walang internal revenue stamps at kinasuhan dahil sa hindi pagbabayad ng excise taxes ng Bureau of Internal Revenue.
Hangga’t wala anyang kautusan ang Departments of Finance, Trade and Industry at Bureau of Internal Revenue na magpapatigil sa kanila na magbenta ng mga Mighty Product ay tuloy pa rin ang tanggap nila ng mga produkto mula sa naturang cigarette manufacturer.
By: Drew Nacino