Humingi na rin ng paumanhin si Philippine Ambassador Renato Villa sa Kuwaiti government kaugnay sa kontrobersyal na pagsagip ng mga embassy official sa isang distressed Overseas Filipino Worker sa naturang gulf state.
Sa isang press briefing sa Philippine Embassy sa Kuwait, ipinaliwanag ni Villa na hindi intensyon ng Pilipinas na insultuhin ang Kuwaiti Government at mga mamamayan nito.
Pinuri naman ng embahador ang binuong kasunduan nina Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano at Kuwaiti Ambassodor to the Philippines Saleh Ahmad Althwaikh upang maiwasan ang hidwaan sa pagitan ng dalawang bansa