Paiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang reklamo laban kay Philippine Ambassador to the American State Shirley Ho-Viracio.
Ito ang tiniyak ng Malakanyang kasunod naman ng paghahain ng kaso ni Consular Officer Elmor Maglunsod laban kay Viracio dahil sa pagkakasangkot umano nito sa kurapsyon at unethical practices.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, sinseryoso ni Pangulong Duterte ang lahat ng natatanggap nitong reklamo laban sa mga opisyal ng gobyerno lalu na kung nasasangkot sa katiwalian.
Batay sa inihaing reklamo ni Maglunsod sa Department of Foreign Affairs (DFA) , Office of the President’s Complaint Center at Civil Service Commission (CSC), kanyang iginiit ang mga paglabag sa batas ni Viracio sa mga biyahe nito kasama ang asawa.
Si Viracio ay itinalaga sa pwesto ni Pangulong Duterte noong Mayo 01 nang nakaraang taon.
RPE