Maaari nang magamit ang Philippine Arena bilang quarantine facility.
Final inspection na lamang ng Department of Health at Inter-Agency Task Force (IATF) ang kulang para magamit na ang pasilidad.
Ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH), 300 ang kama sa tatlong tents na inilagay nila sa Philippine Arena.
Meron ding hiwalay na toilet facilities para sa health workers, gamit ang 40-footer container vans, may mess hall, disinfecting tents, supply storage area at air conditioning system sa tatlong isolation tents.
Mayroon rin itong libreng Wi-Fi, sapat na suplay ng tubig at kuryente.