Bukas ang Philippine Army sa posibilidad ng pagbabalik ng peace talks ng pamahalaan at N.D.F. – C.P.P. – N.P.A.
Kasunod ito ng pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipinauubaya na niya sa militar ang desisyon kung ibabalik ang usapang pang-kapayapaan.
Ayon kay Philippine Army Spokesman, Lt. Col. Louie Villanueva, noon pa naman ay interesado na sila na makipagkasundo sa CPP-NPA pero mismong ang mga rebelde ang sumisira sa proseso ng peace talks.
Gayunman, inihayag ni EASTMINCOM Commander, Lt. Gen. Benjamin Madrigal na hindi pa napapanahon na ibalik ang peace talks dahil nagpapatuloy ang recruitment ng N.P.A.
-Jonathan Andal