Pinangunahan ni Army Vice Commander Maj. Gen. Adonis Bajao ang naganap na pagdiriwang ng Bagong Taon ng Philippine Army sa Officers’ Village Park, Fort Bonifacio, sa Maynila kahapon.
Kung saan dinaluhan ng mga opisyal ng militar, civilian human resource at mga pamilya nito ang naturang selebrasyon.
Sa pagdiriwang binigyang pagkilala ng Army Vice Commander ang dedikasyon sa pagtupad ng tungkulin ng mga sundalo sa tao at sa bayan.
Partikular ang papel ng mga sundalo sa pagpapanatili ng kapayapaan sa mga komunidad at sa pagtulong sa mga Pilipinong nasalanta ng kalamidad sa buong bansa.