Patuloy na binabantayan ng Philippine Army ang gulo sa pagitan ng Russia at Ukraine kung saan, nasa mahigit 2K sibilyan na ang nasawi sa Ukraine mula ng magsimula ang pananakop ng Russia.
Ayon kay Philippine Army Officer Lt. Gen. Romeo Brawner Jr., may mga plano at contingencies na din na nakahanda ang kanilang ahensya sakaling magkaroon ng worst case scenario.
Sinabi ni Brawner na dapat ay mapalakas pa ng bansa ang Reserve force upang makontrol ang posibleng mangyaring pananakop.
Matatandaang ipinatawag ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Philippine Army kasama ang mga high ranking officials ng militar, pulis at ilang miyembro ng gabinete para sa command conference at talakayin ang mga ilang hakbang para mabawasan ang epekto ng giyera sa ekonomiya ng bansa. —sa panulat ni Angelica Doctolero