Lalo pang pinaigting at pinalakas ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang kanilang kapabilidad na labanan ang terrorismo anuman ang anyo nito.
Ito’y matapos ang apat na araw na pagsasanay ng mga tropa ng Philippine Army at US Army Pacific bilang pagtugon sa iba’t ibang banta tulad ng Chemical, Biologocal, Radiological at Nuclear.
Isinagawa ang pagsasanay sa Fort Magsaysay sa Nueva Ecija bilang bahagi pa rin ng ika-37 RP-US Joint Military Exercise o BALIKATAN 2022 na nagsimula nuong Marso a-28 at magtatpos sa Abril a-8.
Ang CBRN exercise ay isa sa walong interoperability drills na layong sanayin ang pinagsanib na pwersa ng Pilipinas at Amerika sa kanilang operasyon kontra terrorismo sa pamamagitan ng lectures at practical exercises.