Bigong maiuwi ng Philippine Azkals ang panalo matapos matalo laban sa mga manlalaro ng Cambodia sa AFF mitsubishi Electric Cup 2022 na ginanap sa Morodok Techo National Stadium sa Phnom Penh.
Nabatid na hindi nagawang padapain ng Azkals ang Cambodia kahit dalawa sa mga players nito ay nakaranas ng injury kung saan, ito umano ang kauna-unahang pagkatalo ng Pilipinas laban sa nasabing bansa mula pa noong 2002 Tiger Cup.
Samantala, sasabak naman ang Philippine Women’S Football Team sa Europe para sa Pinatar Cup 2023 na sisimulan sa Pebrero a-15 at magtatagal hanggang a-21 sa San Pedro Del Pinatar sa Murcia, Spain.
Makakaharap ng Pilipinas ang mga bansang Wales, Scotland, at Iceland, na may mas mataas na ranggo pero umaasa ang mga atleta na kanilang maiuuwi ang panalo at karangalan ng bansa.