Mistulang inalat sa laro ang Philippine Azkals sa laban nito kontra China sa nagpapatuloy na AFC Asian Cup 2019.
Hindi man lang nakapuntos ang Pilipinas at tinalo ng China sa iskor na 0-3.
Naging bayani para sa koponan ng China si Wu Lei na nakapagtala ng dalawang goal.
Dahil sa panalo, sigurado na ang puwesto ng China para sa last 16 ng Asian Cup.
Samantala, susunod na makakalaban ng Azkals ang Kyrgyzstan sa darating na Miyerkules.