Malaking kabiguan ang naranasan ng Philippine Bodybuilders team matapos hindi payagang makalaban sa nagpapatuloy na SEA Games sa Hanoi, Vietnam.
Ito ay matapos lumabag ang koponan sa Anti-doping rules.
Ayon kay Chetan Pathare, technical delegate ng SEA Games, walang maipakitang ebidensiya ang Philippine team na dumaan sa Doping test ang mga manlalaro tatlong linggo bago ang laban.
Malinaw kasing nakasaad sa panuntunan na kailangan muna ng Doping Certificate at Clearance Certificate bago ang laban.
Sa huling tala, nasa pangatlong pwesto na ang Pilipinas sa medal tally ng SEA Games matapos makasungkit ng 78 medalya.
Kabila rito ang; 19 na gold, 23 silver, 36 na bronze.