Magsasagawa ng inspeksyon ang Philippine Coast Guard, Bureau of Fire Protection at Philippine National Police matapos magliyab ang isang pampasaherong RORO vessel sa Batangas.
Bumiyahe na ang naturang team kaninang alas-8 ng umaga patungong Batangas Anchorage Area.
Ayon sa PCG, dalawa pang pasahero ang hindi pa matagpuan sa ngayon at iniimbestigahan pa kung nawawala ang mga ito o na-rescue sila at agad na nakauwi bago ang documentation.
Sa datos ng PCG, 49 na pasahero at 38 na crew ang sakay ng barko nang ito mangyari ang sunog.
Maliban pa ito sa 16 na rolling cargoes, 7 private vehicles, 2 motor at 7 truck.
Batay sa inisyal na imbestigasyon, nasa 90 % ng 3rd deck at 80 % ng second deck ang natupok ng sunog.