Kasado na ang Oplan Biyaheng Undas 2017 ng Philippine Coast Guard o PCG.
Ipinabatid ni Coast Guard Spokesman Armand Balilo na mahigpit nilang babantayan ang mga pantalan na unti – unti nang dinadagsa ng mga pasaherong magtutungo sa mga lalawigan.
Sinabi pa ni Balilo na mahalagang ma-monitor ang dami ng mga pasahero para makagawa kaagad sila ng paraan kung kakayanin ng mga barko ang dami ng mga taong dadagsa sa mga pantalan.
Batay sa monitoring ng PCG, halos 6,000 ang mga pasaherong nagtutungo sa mga pier sa Central Visayas.
Samantalang nasa mahigit 2,000 naman ang mga pasaherong dumadaong sa pantala mula sa Bicol Region.
Tiniyak naman ni Balilo na sapat ang kanilang mga tauhan para bantayan ang mga uuwi sa mga probinsya para gunitain ang araw ng mga patay.