Binalaan ng Philippine Coast Guard ang publiko laban sa nagpapanggap na recruiter ng Philippine Coast Guard Auxiliary (PCGA) na civilian volunteer arm ng ahensya.
Ito’y bunsod ng natanggap na ulat na may isang nagpakilalang grupo bilang 101st Balangay ng PCGA para manghikayat ng miyembro sa Hermosa, Abucay at Morong, Bataan.
Ayon sa coast guard, hindi otorisado ang grupo na gamitin ang logo at pangalan ng mga opisyal ng Department of Transportation, Philippine Coast Guard, at PCGA sa mga aktibidad sa probinsya.
Batay sa report, nagbayad umano ng P15,000 ang bawat nahikayat at pinangakuan din sila ng P30,000 na allowance kada buwan.
Umabot pa anya sa 180 na residente ang nabiktima ng grupo na karamihan ay mga ‘indigent’.
Samantala, maghahain naman ng kaso ang PCG laban sa mga suspek.—mula sa panulat ni Jenn Patrolla