Inihayag ng pamunuan ng Philippine Coast Guard (PCG) na naghahanap sila ng mga interesadong aplikante para sa International Cadetship Program ng US Coast Guard Academy Class of 2025 (USCGA).
Batay sa abiso ng PCG, ang kwalipikadong aplikante ay magiging regular cadets sa USCGA at makakatanggap ng ilang benepisyo nito gaya ng tulong pinansyal para may pang-tustos sa pang-matrikula, renta sa kanilang tutuluyang bahay at iba pa.
Oras namang makapagtapos na ang kadete, ay ituturing na silang commissioner officer ng PCG na may ranggong ‘ensign’.
Alinsunod din sa kanilang serbisyo, kinakailangan ng mga ito na sumailalim sa walong taong patuloy na active service.
Para sa mga nais na mag-apply sa naturang program, maaaring magpasa ng requirements hanggang ika-28 ng Disyembre ngayong taon.