Nag-patrolya ang PCG o Philippine Coast Guard sa Benham Rise sa kauna-unahang pagkakataon kahapon kasunod ng mainit na usapin ng presensya ng mga barko ng China sa naturang lugar.
Ayon sa PCG, ginamit ang Britten Norman Islander Aircraft sa pag-iinspeksyon sa lugar na idineklara ng United Nations (UN) na bahagi ng extended continental shelf ng bansa.
Magugunita na una nang nagsagawa ng survey sa lugar ang BRP Ramon Alcaraz ng Philippine Navy.
Maalalang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa Department of Foreign Affairs (DFA) na pag-aralan ang pagpapalit ng pangalan ng Benham Rise bilang Philippine Rise.
By Rianne Briones