Nanindigan ang Philippine Coastguard Iloilo na kaagad silang rumesponde sa pagtaob ng motor banca sa baybayin ng Iloilo at Guimaras na ikinasawi ng 7 katao.
Ayon kay Coastguard Iloilo head Lt Edison Diaz kaagad silang nakipag coordinate sa kanilang substations para rumesponde bago pa man tumawag sa kanilang radyo ang nag respondeng fast craft.
Sinabi ni Diaz na bagamat hindi nasagot ang distress call mula sa fast aircraft. Ito ay dahil posibleng abala na ang lahat sa pag responde bukod pa sa nagkaroon ng brownout.
Samantala, pinag aaralan na ang pagsasampa ng kasong reckless imprudence resulting to multiple homicide laban sa kapitan ng motor banca na si Donald Galotera na hawak na ng mga otoridad.
By: Judith Larino