Hinimok ni House Ways and Means Committee Chairman Joey Salceda ang Philippine Coconut Authority (PCA) na palakasin ang produksyon ng mantika.
Nais ni Salceda na posibleng maging “substitute goods” ang coconut o palm oil habang tumataas ang presyo nito.
Umaabot na anya sa 1,100 dollars ang presyo ng coconut oil habang 1,065 dollars ang palm oil sa international market.
Maaring kunin ng PHILCOA ang pondo mula sa coconut industry development trust fund o coco levy funds para ipatupad ang mga export development.
Nanawagan si salceda sa PCA na humanap ng mga paraan upang i-export ang mantika o palm oil ng Pilipinas.
Kabilang sa mga nangungunang producer ng mantika sa mundo ang Indonesia at Malaysia. —mula sa panulat ni Jenn Patrolla