Natanggap na ng konsulado ng bansa sa New York, usa ang mga vote counting machines (VCM) at iba pang election paraphernalia na gagamitin sa May 9 Elections.
Kinumpirma ito ni Consul General Elmer Cato kayat maaari na nilang simulan ang proseso nang pagkuha ng mga balota para sa overseas voters sa Northeast Part ng Amerika hanggang ngayong araw na ito.
Sinabi ni Cato na ngayong gabi ay ipapadala na nila ang unang batch ng overseas ballots para makaboto na ang mga Pilipinong nasa New York at iba pang bahagi ng US Northeast.
Magugunitang na delay ang pagboto sana ng mga Pinoy sa Northeast part ng Amerika sa pagsisimula ng Overseas Absentee Voting nuong linggo dahil sa delay sa shipment ng VCM, official ballots at election paraphernalia.