Pinag-iingat ng pamahalaan ang mga Pinoy na naninirahan sa Nice City, France matapos ang pag-atake sa selebrasyon ng Bastille Day na ikinasawi ng hindi bababa sa 80 katao.
Ayon kay Philippine Consul General to Paris Aileen Mendiola-Rau, hangga’t maaari ay dapat manatili sa loob ng bahay at umiwas sa matataong lugar.
Ipinabatid ni rau na wala pa namang napapaulat na may Pinoy na kasama sa mga nasawi o nasugatan.
Tiniyak din ng opsiyal na ligtas ang mga turistang Pinoy na nasa Nice.
By: Meann Tanbio