Pansamantalang isinara ngayong araw ang Philippine Eagle Center (PEC), para sa gagawing simulation activity sa kanilang mga personnel.
Bilang paghahanda ito sa posibleng lockdown sakaling ma-detect ang kaso ng bird flu sa Davao City.
Ayon kay Andi Baldonado, Development Project Manager ng Philippine Eagle Foundation (PEF), kalahok sa gawain ang mga bird keepers, food stock technicians at maintenance personnel.
Itatalaga ang mga ito sa iba’t ibang parte ng pasilidad bilang pangangasiwa sa mga ibon.
Muling magbubukas ang PEC sa Abril 12.