Natagpuang patay ang isang critically-enedangered Philippine Eagle o Haribon sa Maasim, Sarangani kahapon.
Ayon sa Department of Environment and Natural Resources (DENR) – Soccsksargen, tinatayang humigit-kumulang apat o limang oras nang patay ang agila bago natagpuan.
Ipinadala na ang labi nito sa Philippine Eagle Center sa Davao City para sa autopsy habang inaalam pa ang sanhi ng pagkamatay nito.
Pinangalanang pambansang ibon ng Pilipinas ang Philippine Eagle o agila noong 1995 at itinuturing na isa sa mga pinakapambihirang ibon dahil sa populasyon nitong wala pang 500.
Sa kasalukuyan, nasa 400 pares ng Haribon na lamang ang natitira sa kagubatan ng Pilipinas. – sa panulat ni Hannah Oledan