Nagpapagaling na lamang ngayon ang Philippine Eagle na nasagip kamakailan ng isang magsasaka sa Kapatagan, Digos City.
Ayon kay Dr. Ana Lascano, veterinarian ng Philippine Eagle Foundation, nagtamo ng sugat ang nasabing agila sa bahagi ng tiyan nito ngunit nalapatan ng lunas.
Gayunman, sinabi ni Dra. Lascano, bagama’t mabuti ang kundisyon ng nasabing ibon ngunit kailangan pa nitong sumailalim sa x-ray dahil sa may nakitang pamamaga sa bahagi ng paa nito.
Kasunod nito, nanawagan si Lascano sa publiko na huwag hulihin o patayin ang mga agila na itinuturing nang edangered species.
Tiyak aniyang may kahaharaping kaparusahan at posible pang makasuhan ang sinumang mapatutunayang nakagawa ng paglabag.
By: Jaymark Dagala