Pansamantalang isinara sa publiko ang Philippine Eagle Sanctuary sa Davao City, sa gitna ng bird flu outbreak.
Ayon sa Philippine Eagle Foundation o PEF, malaking banta para sa mga agila ang bird flu outbreak sa San Luis, Pampanga kaya’t naglatag na sila ng mga hakbang upang matiyak ang kaligtasan ng mga nasabing ibon.
Hindi pa anya nila matiyak kung hanggang kailan ipatutupad ang closure ng santuwaryo PEF.
Ang PEF at pasilidad nito ay matatagpuan sa 8.4 hectare na lupain sa paanan ng Mount Apo kung saan kinakanlong ang 27 captive-bred eagles at iba pang raptors o species.
By Drew Nacino