Nagbabala ang embahada ng Pilipinas sa london laban sa pekeng facebook page at website na nagpapakilalang embahada at nag-aalok ng trabaho.
Sa anunsiyo, sinabi ng Philippine Embassy na dapat mag ingat ang publiko laban sa nagpakilalang Philippine Embassy in London – Great Britain Travel Agency na may facebook page na Philippine Embassylondon at website na londonphilemabssy.wixste. com travel agency.
Marami anila ang nagkakamali sa naturang mga site dahil makikita dito ang larawan nina Pangulong Rodrigo Duterte, Philippine Ambassador to the UK Antonio Lagdameo at Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr.
Nag-aalok ito ng trabaho bilang mga housemaid at nanny patungong London.
Nangako naman ang embahada an papanagutin sa batas ang mga nasa likod ng naturang mga websites.