Inanunsyo ng Embahada ng Pilipinas sa Riyadh, Saudi Arabia na bilang pakikiisa sa paggunita sa buwan ng Ramadan ng mga Muslim ay paiikliin ang oras ng kanilang operasyon.
Ayon sa Philippine Embassy, sa halip na alas Otso ng umaga hanggang ala Singko ng hapon, bukas ang kanilang tanggapan para tumugon sa mga tanong ng mga Pinoy simula alas nwebe ng umaga hanggang alas kwatro ng hapon mula linggo hanggang huwebes.
Hindi naman partikular na tinukoy ng embahada ang simula at pagtatapos ng petsa ng ramadan subalit inaasahang sa Hunyo 5 hanggang Hulyo 5 ito gugunitain.
Samantala, sinabi naman ng konsulado ng Pilipinas sa Jeddah sa Saudi pa rin na ang kanilang working hours ay mula 10 am hanggang 3pm.
By: Drew Nacino