Nilagdaan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas na lilikha sa Professional Regulatory Board of Fisheries in the Philippines.
Batay sa Republic Act no. 11398 o ang Philippine Fisheries Profession Act, magkakaroon na ng kapanyarihan ang Professional Regulation Commission sa Professional Regulatory Board of Fisheries.
Ang naturang board ang mamamahala sa licensure examination para sa mga fisheries profession.
Nakasaad din sa batas na may kapangyarihan ang board na mag-isyu ng certificate of registration sa mga makakapasa sa licensure examination.