Naglagay na ang Philippine Coast Guard (PCG) ng limang ‘navigational buoys’ o boya na may nakakabit na watawat ng Pilipinas sa apat na kritikal na isla sa West Philippine Sea.
Sa kabila ng tensyon sa pinag-aagawang karagatan, ang mga boya na may habang tatlumpung talampakan, ay inilagay sa mga isla ng lawak, likas, parola at pag-asa na nasa loob ng Exclusive Economic Zone ng Pilipinas.
Pinangunahan ni PCG Commandant, Admiral Artemio Abu ang pagdating ng limang PCG vessels na siyang nagsakay sa mga boya at naglagay sa naturang mga isla na isinagawa simula Mayo 12 hanggang 14.
Ayon kay Abu, hindi naman hinarang ng mga chinese vessel ang mga barko ng Pilipinas na nagtungo sa mga naturang lugar.
Kabilang sa mga nagdala ng mga buoy ang BRP Corregidor, BRP Bojeador, BRP Suluan, BRP Capones at Tug Boat Habagat na nakabalik na kahapon.
Magsisilbi rin ang mga boya na gabay ng mga mangingisda at barko na daraan sa West Philippine Sea at maghahatid ng mensahe na ang katubigang malapit dito ay ikinukunsiderang “Special Protected Zones”.