Isinara ng Bureau Of Internal Revenue (BIR) ang lisensya ng Philippine Gaming Operations (POGO) at ang service provider nito dahil sa hindi pagpareshistro.
Ayon kay Deputy Commissioner For Operations Arnel Guballa, kabilang sa mga establisiymento na ito ang imperial choice limited at service provider na aplus accel.
Aniya, mananatili itong sarado hanggang sa masunod ang mga kinakailangan sa pagpaparehisrto kasama ang pagbabayad ng kaukulang buwis at mga parusa.
Samantala, sinabi ni guballa na tinatapos na nila ang tax liabilities ng mga gambling company. —sa panulat ni Airiam Sancho