Inanunsyo ng Department of Health (DOH) na walang namataang new variant ng COVID-19 sa 4th batch ng mga ipinadala nilang sampol sa Philippine Genome Center (PGC).
Ayon sa doh, aabot sa 48 ang samples na kanilang ipinasuri sa PGC, at 23 dito ang mula sa Metro Manila, 19 sa CALABARZON, apat sa Cordillera Region at dalawa ang mula naman sa mga Filipinong umuwi ng bansa mula sa ibayong dagat.
Pahayag ng DOH, pito sa mga ito ang nakarekober na habang nananatiling asymptomatic o mild ang mga nalalabing active cases.
Sa susunod na mga linggo, nakatakda namang suriin ng PGC ang panibagong 48 samples.
Bunsod nito, hinimok ng DOH ang publiko na kahit walang namataang new variant sa mga sinuring sampol, dapat paring sumunod ang lahat sa minimum health standards na ipinatutupad ng pamahalaan.