Bahagyang bumilis ang inflation rate o pagtaas ng presyo ng pangunahing produkto sa 6.9% nuong Setyembre.
Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ito’y mula sa 6.3% na naitala nuong Agosto.
Paliwanag ng PSA na ang gastos sa pagkain at enerhiya ang nagtutulak umano sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin sa bansa.
Tumaas din sa 7.4% ang inflation sa pagkain at non-alcoholic beverages.
Samantala, sinabi ng BSP na ang pagtaas ng singil sa kuryente at presyo ng mga pangunahing pagkain, kasama ang mahinang performance ng piso, ay maaaring nagdulot ng inflation noong nakaraang buwan.