Wagi sa kauna-unahang pagkakataon ang dalawang batang miyembro ng Philippine Practical Shooting Association o PPSA Team sa katatapos lamang na 18th World Shoot (Junior Category) na ginanap sa France.
Hindi nagpahuli sina Kahlil Adrian Viray, 15-taong gulang at Rolly Nathaniel Bro Tecson, 14-taong gulang sa halos 300 junior shooters na lumahok mula sa iba’t ibang panig ng mundo.
Nasungkit ni Viray ang gintong medalya at tropeo sa standard junior category habang pumangalawa naman si Tecson sa kaparehong kategorya.
Ito ang unang pagkakataon na sumabak ang dalawa sa nasabing kumpetisyon na pinangungunahan ng International Practical Shooting Confederation o IPSC.
Buong puso namang nagpasalamat sina Viray at Tecson sa suporta ng mga taong naniwala sa kanilang kakayahan.
Samantala, inihayag ni Jack Enrile, Pangulo ng PPSA na malaki ang potensyal ng dalawang bata para sa mga kumpetisyon sa hinaharap.
Narito ang listahan ng iba pang nanalo sa kumpetisyon:
Division Awards
Jag Lejano – 2nd place Classic Division
Jethro T. Dionisio – 3rd place Classic Division
Category Award
Kahlil Adrian Viray – Champion – Junior Standard
Rolly Nathaniel Tecson – 2nd place – Junior Standard
Israelito Pible – 3rd place – Super Senior Standard
Grace Tamayo – 3rd place – Lady Classic
Division Team Award
Classic Division – 2nd place
1) Jag Lejano
2) Ed Martin
3) Mariboy Alejandro
4) William Magalong
Standard Division – 2nd place
1) Edward Rivera
2) Joseph Bernabe
3) Kahlil Adrian Viray
4) Janno Santiaguel
Shoot Off Winners
1) Benjie Belarmino -3rd place Super Senior Standard
2) Grace Tamayo -3rd place Classic Lady
3) Kahlil Viray -1st place Junior Standard
4) Bro Tecson -2nd place Junior Standard
5) Jag Lejano -2nd place Classic Division
6) Jethro Dionisio -3rd place Classic Division
Congratulations!
Story and Photo By: Raoul Esperas