Kumpiyansa ang Philippine kickboxing team na kahit kulang sila sa karanasan ay mananalo sila sa 30th Southeast Asian Games.
Maagang lumuwas sa Maynila mula sa pagsasanay sa La Trinidad, Benguet ang National team para magpakondisyon sa mainit na klima.
6 na lalaki at 2 babae ang sasabak sa combat sports at kapwa sanay sa mga larong Wushu, Sanda, Boxing, Muay Thai at Mixed Martial Arts (MMA).
Aminado ang koponan na ito ang unang pagkakataon na sasabak sila sa kickboxing.
Gayunman, pahayag ni Coach Mark Sangiao, hindi maituturing na disadvantage ang kakulangan nila ng karanasan sa kickboxing, bagkus ay masasabing bentahe pa nila ang kanilang mga karanasan sa iba’t ibang martial arts.